15/09/2026
📌
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na muli nang magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon dito ngayong araw, Setyembre 15, 2026.
Patuloy na isinasagawa ng technical team ng ahensya ang pagmo-monitor sa sistema upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.