20/10/2026
📢 PAALALA SA LAHAT NG CUSTOMERS NG MASTERS AUTOSHOP! 🔧🚗
Ang pagpa-PMS ay may schedule, at ang bawat schedule ay inilalaan para sa inyo. May iba pa kaming customers na naghihintay at gustong magpa-service, kaya mahalaga sa amin ang bawat oras.
Kung magpapa-schedule po kayo ng PMS, siguraduhin sanang makakapunta kayo sa napagkasunduang araw at oras. Kung hindi makakarating, mangyaring mag-abiso nang maaga para maibigay namin ang slot sa ibang customer.
Nauunawaan namin na may mga biglaang lakad o emergency, pero sana ay huwag naman po tayong basta magpa-schedule at hindi na sisipot nang walang pasabi.
Respeto sa oras, respeto sa serbisyo. 🤝
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala sa MASTERS AUTOSHOP! ❤️🖤