VAN'S Enterprises Phoenix LPG Mati

Call Directions

VAN'S Enterprises Phoenix LPG Mati Van's Enterprises Phoenix Super LPG Mati City

We offer LPG free delivery service, industrial,installation and LPG assistance

30/10/2026

Maging wais jod

25/10/2026

📢 LPG PRICE INCREASE ALERT 🛢️

💡 PRICE INCREASE 📈

🚫 As of October 24, 2026, the anticipated price adjustment for the coming month is as follows:

INCREASE by ₱3.00–4.00/KG
INCREASE by ₱33.00–44.00 per regular Tank

📝 Please be aware that LPG Prices are subject to CHANGE.

💡Get the latest and exclusive content first—Subscribe now! ✅

14/10/2026

Good morning costumers available na atong stocks sa Tripler Butane, Padeliver namo VAN'S Enterprises Phoenix LPG, Tripler Mati the ligit supplier Canister Tripler Butane sa Mati City, Taraguna and Manay

Tama Sa Timbang 250grams
Ligit Planta Gikan

Tawag na sa Numero
Tm 09550331373
Smart 09206394992

14/10/2026

⚖️𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀? 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐅𝐈𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐏𝐆 𝐂𝐘𝐋𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒! ⛽

Ang Republic Act No. 11592 o LPG Industry Regulation Act ay isinabatas upang magkaroon ng malinaw at komprehensibong balangkas ng regulasyon sa buong industriya ng Liquefied Petroleum Gas (LPG)—mula sa pag-aangkat, pagpapasok sa planta, pagrerefill, pagbibiyahe, pagbebenta, hanggang sa tingian (retail).

Layunin nitong protektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamimili at sugpoin ang mga substandard, hindi awtorisado, at delikadong kalakaran sa merkado ng LPG.

❌ 𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐥 (𝐏𝐫𝐨𝐡𝐢𝐛𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐬) 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐬

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang mga gawaing naglalagay sa peligro sa publiko o gumagawa ng panlilinlang sa merkado:

𝗔. 𝗜𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗼 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝘁𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗮 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻

Pangangalakal nang Walang LTO: Pagpapatakbo ng negosyo sa LPG nang walang sapat at valid na License to Operate mula sa DOE.

1. Pakikipagtransaksyon sa Ilegal na Entidad: Pagbili o pagbebenta ng LPG sa mga negosyante o kumpanyang walang karampatang lisensya o permit.

2. Paggamit ng Trademark nang Walang Pahintulot: Pagbebenta o pagpapadala ng mga tangke ng LPG na may tatak o trademark nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-ari ng brand.

𝗕. 𝗜𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗿𝗲𝗿𝗲𝗳𝗶𝗹𝗹

1. Cross-Refilling: Pag-karga o pag-refill ng LPG sa tangke ng ibang kumpanya o trademark owner nang walang pahintulot.

2. Pag-refill sa Sira o Substandard na Tangke: Pag-karga ng LPG sa mga tangkeng sira, basag, kalawangin, pasado na sa expiration, o hindi sumusunod sa PNS.

3. Pag-refill ng LPG Cartridge: Pag-refill sa mga single-use na canister o maliit na cartridge na hindi idinisenyo para sa LPG.

4. Pag-refill sa Ilegal na Lugar: Pag-karga ng LPG sa mga hindi awtorisadong pasilidad o direktang pag-karga mula sa bulk tanker papunta sa silindro nang walang tamang kagamitan at permit.

𝗖. 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘀-𝗧𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴, 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗹𝗼, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗻𝗶𝗽𝘂𝗹𝗮

1. Kulang sa Timbang (Underfilling): Pagbebenta ng tangke ng LPG na mas mababa ang tunay na timbang kaysa sa nakadokumento o nakatatak.

2. Paghalo ng Ibang Kemikal (Adulteration): Paghahalo ng LPG sa ibang kemikal o substandard na petrolyo na nakasisira sa kalidad nito.

3. Pagmamanipula sa Selyo at Marka:
o Pag-aalis, pag-falsify, o paghawak ng feke o ilegal na safety seal.
o Pagbabago, pagpapalit ng kulay, o pagpawi ng marka ng tangke nang walang permiso ng may-ari ng trademark.

⚠️ 𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐫𝐮𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 (𝐏𝐞𝐧𝐚𝐥𝐭𝐢𝐞𝐬)

Ang mga lalabag sa RA 11592 ay pwedeng patawan ng mga sumusunod:

• Multa (Administrative Fines): Mula ₱10,000 hanggang ₱1,000,000+ depende sa laki ng negosyo at ulit ng paglabag.

• Pansamantala o Permanenteng Pasara: Pagkansela sa License to Operate (LTO) at pagpapasara sa planta o tindahan.

• Kumpiskasyon: Pag-impake at pagkumpiska sa mga ilegal na tangke, feke na selyo, at kagamitan.

• Kulong (Criminal Liability): Imprisipronment o pagkabilanggo mula 6 hanggang 12 taon para sa mga malalang paglabag tulad ng ilegal na pag-refill o pagpapatakbo ng ilegal na refilling plant.

07/10/2026
06/10/2026

Address

Barangay Central, Bilawan 1 Mati City
Mati
8200

Telephone

+639206394992

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VAN'S Enterprises Phoenix LPG Mati posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category