05/07/2026
Sa mga gustong pumasok sa car rental business, tandaan ninyo na hindi puro kita ang negosyong ito. Kasama rito ang puyat, stress, abala, gastos, at mga problemang hindi mo inaasahan. Minsan, isang maling desisyon lang ng renter ang puwedeng magdulot ng napakalaking pinsala sa owner—pinansyal, emosyonal, at pati sa kabuhayan.
At para naman sa lahat ng renter...
Kapag inuupahan ninyo ang sasakyan, hindi lang kayo humihiram ng kotse. Hawak ninyo ang bunga ng ilang taong paghihirap, sakripisyo, at pangarap ng isang tao. Maraming owner ang nag-ipon, nagbabayad buwan-buwan, at nagsusumikap araw-araw para mabuo ang unit na pinagkakatiwalaan nilang gamitin ninyo.
Kaya sana, tratuhin ninyo ito na parang sarili ninyong sasakyan.
Huwag magmaneho kung nakainom. Huwag maging kampante. Huwag isipin na "isang beses lang naman" o "kaya ko pa." Isang maling desisyon lang ang puwedeng sumira ng sasakyan, magbaon sa utang ng owner, at higit sa lahat, kumitil ng buhay.
Kung alam mong wala kang kakayahang panagutan ang lahat ng magiging bunga ng isang aksidente, huwag mong isugal ang buhay ng iba at ang kabuhayan ng may-ari.
Ang pagiging responsableng renter ay hindi lang nasusukat sa tamang pagbabayad. Mas mahalaga ang pag-iingat, pagrespeto sa sasakyan, at ang ligtas na pagbabalik nito sa may-ari.
Respeto sa sasakyan. Respeto sa owner. Respeto sa buhay. Dahil ang tiwala, minsan lang ibinibigay.